Bawat taya ng barya ay
napupuno ka ng pagasa
Sa problemang pinansyal, sana bukas magkapera
Ang tunay na biyaya di mo makukuha
Sa mabilis na paraan mabilis ding mawawala
Sa tagal ng yong pagtaya naipon ang salapi
Ang panalong matagal na hinintay ay di mababawi
Ang perang sana’y inipon ay iyong pinangtataya
Sa sugal na naging bisyo na ang hirap mawala
Ang madalas na pagtaya, kapalit ay minsanang pagkapanalo
Nguti kahit saan mo tingnan,ikaw pa rin ay talo
Ang di pinaghirapan ay mabilis mawawalan
/Ngunit ang pinagtyagaan ay
tunay na pagiingatan.








