Linggo, Marso 5, 2017

School Project


Mula nung umpisa ay sinabi na ng guro
Lahat ng kinakailangan sa pagkatuto at pagtuturo
Mga proyekto at requirements, una palang ay nasabi
Kaya’t paghahanda ay naririyan palagi

Walang dahilan upang hindi matapos
Mga kinakailangan upang makatapos
Proyekto na sinabi, una palang ay paghandaan
Upang di mamroblema sa nakatakdang pasahan

Wag magsyadong parelax-relax at sa huli’y pagsisihan
Proyekto sa paaralan kailangang paghirapan
Katamaran ay kalimutan, sa oras ay maglaan
Ng tamang panahon upang mapaghandaan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento