Linggo, Marso 5, 2017

Panliligaw


Wag kang mahihiyang magsabi ng totoo
Lalo na sa tinatagong nararamdaman mo
Sa babaeng iyong lihim na hinahangaan
Wag mong ikubli ang nararamdaman

Iyo nang ligawan, takot ay iyong kalimutan
Walang mangyayare kung hindi mo susubukan
Kesa matagal mong kimkimin ang tinatago sa kalooban
Panliligaw sa kanya iyo nang simulan

Pagkabigo sa pagibig sadyang naririyan
Ngunit matamis na tagumpay ay mahirap makamtan
Nasasayo na lamang kung ikay matapang
Wag ka lang aasa upang di ganong masaktan.

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento