Linggo, Marso 5, 2017

Relasyon

Ang tunay na pagibig walang pinipiling kapalit
Ngunit wag aabusuhin ang pagiging mabait
Minsan pati sarili’y iyo nang nakakalimutan
Sa sobrang pagmamahal kaibigan ay iniwan

Pagiging balanse, sa lahat ng bagay kailangan
Sobra at kakulangan nagdudulot ng di inaasahan
Di pagkakaintindihan pano maiiwasan
Sa relasyon at pagmamahalan balanse ang kailangan

Pagiging patas sa isa’t isa ay tunay na nagpapaganada
Sa relasyong magasawa ito ri’y nagpapasigla
Kung merong pagkukulang tiyak may kadahilanan
Hindi na pagaawayan kung iintindihin na lamang


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento