Linggo, Marso 5, 2017

Orocan

Tunay na kaibigan, kay hirap hanapin
Di mo makikita , kay hirap hagilapin
Ugaling kaperoho o kapareha
Magaling sa kwentuhan at pakikisama

Sa pagpili ng kaibian meron kang kakikitaan
May ugaling tinatago sa kaloob looban
Pag ikaw ang kasama ang gaan sa pakiramdam
Ngunit pag iba na ikaw pala’y sinisiraan

Magingat sa mga taong  plastik sa harapan
Ang bait sa iyo kung may kailangan
Kung ayaw matulad ,wag na lamang patulan
Ganoong paguugali, di dapat na tularan

Walang komento:

Mag-post ng isang Komento