Linggo, Marso 5, 2017

Ibalik Mo Ang Sukli


Di mo matiis ang iyong sarili
Sa labis na balik sa iyong kabayaran
Ang perang kailangan para may mabili
Konsensya’y kumakatok sa iyong kalooban

Sa oras na matindi ang iyong pangangailangan
Lalo na sa panahon ng matinding kagipitan
Sobrang sukli na galing sa tindahan
Ayaw ibalik, konsensya ang kalaban

Ganti ng kapalaran iyong mararamdaman
Wag mong gawin sa iba kung ayaw magantihan
Oras ng kagipitan iyong malalampasan
Pag mamay ari ng ilan, wag mong paginteresan.


Walang komento:

Mag-post ng isang Komento